Credits to the owner.

Ang sarap maging proud , pero ang hirap mag mukhang mayabang

Yan ang tumatakbo sa isipan ko habang nakatingin ako sa isang malaking tarpaulin na ako ang nag design.

Dahil gustong gusto ko ipagsigawan sa lahat ng tao na ako ang nag design ng nakikita nila sa malaking karatula

“ Ang ganda ng poster ng D.A ngayon ahh”

“ Maganda siguro to, tara nuod tayo sa sabado”

“ ay wooow ! astig”

Ang sarap sabihing…

*Uyy ako may gawa nan , Jack ang pangalan ko ang ganda no! medyo struggle nga pag gawa nan eh, oo tama kayo ako nag gawa nan hahaha at yung ticket na pinapamigay nila kanina , ako rin nag design non hahaha purihin nyo naman ako dali !*

Naiisip ko kung ganito rin kaya ang pakiramdam ng mga taong nag print ng tarpaulin? O ang nag gawa ng software na adobe photosop? Sa tuwing sumasagi ang resulta ng isang obra na galing rin sa kanilang mismong obra? Sa tuwing makaka salamuha sila ng ibang tao na pinapakinabangan ang kanilang gawa?

Mga sari-saring magagandang komento ang narinig ko matapos ko itong maipakita sa mga kaibigan at sa mga ibang kakilala, Pero syempre may mga negatibong komento rin sa mga taong hindi ko o hindi ako kilala.

Halimbawa neto ay ang dalawang mag jowa na nakasalubong ko sa daan habang kinukutya ang malaking tarpaulin na aking gawa.

“ haha , ano bayan bakit ganyan ang pangit ng kulay”

“ okay naman sya , pero halatang minadali lang ng gumawa .. hindi ako marunong mag edit ng ganyan pero kung gagawa man ako , hindi ganyan ka pangit HAHAHAHA” (sabay pa silang tumawa) sabay sabing sayang lang daw yung binayad ng nag pa-gawa .. Ang weak kasi ng gumawa…ang weak ng gumawa…weak ng gumawa…weak gumawa…ang weak….

Haaaaayys, ang mga tao talaga sadyang napaka lupit , pero aminin natin na mas madali nga naman mang-husga kapag hindi mo kilala ang tao, diba? Dahil hindi naman natin sila kilala e , hindi tayo ganoon ka takot na sabihin ang ating opinyon dahil maliit lang naman ang chance nating gumanti at gantihan pabalik.

Syempre hindi ako pumayag na laitin ang gawa ko kaya sabi ko *Hoy! Mga walang modong mag jowa na PDA ! wala kayong karapatan na laitin ang tarpaulin nayan , hindi nyo alam kung nakailang revised ako dyan bago I-print yan dyan ! Mga walang hiya, bagay na bagay kayo parehas kayong malaki mata! at FYI hindi yan bayad dahil buong puso ko yang pinag hirapan* sabi ko sa isip ko..

Pero inisip ko nalang na ito’y isang constructive criticism, pero wala silang kamalay-malay na kung ilang beses kong paulit-ulit na tinorture sila sa isipan ko hahaha

Iniisip ko kung papaano kaya kung kakilala o kaibigan ko yung dalawang yun, mag iiba kaya tingin nila sa gawa ko? O ganon parin

“ okay ba yung design na nagawa ko?”

“ Syempre naman , basta gawa mo maganda yan para sakin”

Mas na-appreciate ko pa ang mga taong bibigyan ako ng matinding payo tungkol sa mali ko , kesa sa mga taong hahayaan lang akong mag mukhang tanga – Jack

Sa kabilang banda ang blog post kong ito ay para sa mga katulad kong bibihirang mabigyan ng pagkakakilanlan ng karamihan, katulad ng mga Cameraman, sa mga taong taga-gawa ng pabango, sa mga construction worker na katulong ng mga Engineer, sa makinang taga-gawa ng mga papel ! (Thanks machine) para sa mga taong taga hatid ng iPhone sa apple store, at sa mga taong nasa likod ng success ng kahit ano.

Taos puso rin po akong nagpapasalamat sa mga naging bahagi ng blog entry na ito, nagpapasalamat po ako sa mga sumusunod: kay kuya na nag bukas ng aircon dito kanina, sa water service na naghatid kanina ng tubig dito kaya meron akong malinis na tubig na iniinom ngayon, salamat rin sa boss ko na nag bukas ng PC ko at dahil don sa wakas di ako nalate, salamat narin sa nagtahi ng jacket na gamit ko ngayon panangga sa napakalamig na aircon para makapag type ako ng maayos at higit sa lahat maraming salamat sa lahat ng staff at sa lahat ng bumubuo ng wordpress.com. Maraming salamat po!

Advertisements