Nang Dahil sa GUYABANO SHAKE!

facebook post

PAANO. ITO. NANGYARI.

Simulan natin dito.

5:30 AM – Dumating ako sa bahay galing opisina, the usual things na ginagawa ko na dapat at around 6 AM nakahiga nako sa kama para makatulog. Sa totoo nan, ginagamit ko ang alarm clock ko sa phone ko in-reverse—Pag nag alarm na ng 5:55 AM start na dapat na matulog ako, Ganon ko sa tingin i-manage yung time ko.

Ang galing no? Pero hindi ko nagawa yon sa araw na nakawan ako.

Wala akong ibang inatupag kundi mag cellphone na dapat iniiwasan ko naman talaga pero nung araw na’yon talagang hindi ko sya mabitawan.. Siguro way ng phone ko yon para sulitin ang mga last moment namin together. (sad) Ang daming interesting na content na nakikita ko sa facebook, sa youtube, sa instagram pati dito. Kaya hindi ako nakatulog talaga hanggang 10 AM.

Nag-panic na ako! “Pano ‘to? May rehearsal pa ako ng 1PM! tapos may klase ako ng 3-6PM tapos may pasok na ako uli sa work ng 8:30PM!”

Hindi parin talaga ako makatulog, talagang ayaw akong tantanan ng phone ko. What I did is nag excuse nalang ako sa producer ng prod. namin na malilate ako ng bahagya dahil wala pa talaga akong tulog!

11AM- Feeling ko tulog na ako nan

2PM- Sabi ko pa naman sa kanila malilate ako ng bahagya pero anong oras na, 1 Hour na ang nakalipas wala pa ang Director nila. Naligo ako agad, pagkagising na pagkagising ko, kahit masama daw ang pagligo ng walang tulog ligo lang kasi ayaw ko namang mamaho syempre.. nandun pa naman si kras ko.

“Nasan bag ko?! late nako!”

Nawawala bag ko, hindi ko alam kung san ko nalagay.. dahil sa pagmamadali pinulot ko nalang yung bag na ginagamit ko dati ng 1st year ako. Wala na akong choice.

Lagay ng notebook / check!

Sandals / check!

damit pamalit / check!

wallet / check!

Cellphone / CHECK!

3PM- Nakarating ako ng school, nakabihis na sila lahat para sa preview ng play namin.

“How’s you direk!”

“I’m great! Tara let’s start”

Naging successful ang preview namin kay prof. Ang saya sobra, Dahil di namin in-expect yon.

6:30PM- Nag-aabang na ako sa sakayan pauwi ng mga classmates ko. Pero dahil nakaka-angat sa buhay yung isa kong classmate na may pang-Taxi, sumabay nalang rin kaming tatlo tutal niyaya nya naman kami at sakto may mga bitbit rin kami. Sa sobrang rami naming dala kaya nilipat ko yung phone na nasa bulsa ko sa bag, Para di sya maiipit ng mga bitbit ko at para makagalaw rin ako ng mas maayos.

” Madam, Sige sa sandigan nalang ako ang baba, para makauwi rin ako”

“Okay, friend!”

Plano ko naman talaga kasing dumirecho nalang sa opisina para di na ganon ka hassle at para makatulog narin ako kahit unti. Pero ewan ko, biglang parang may nag-udyok saking umuwi muna sa bahay… dahil siguro sa Guyabano shake na nabibili malapit samin kaya ako natakam umuwi ng bahay.

7PM- Bago ako bumaba ng taxi, nag ba-vibrate yung phone ko dahil may tumatawag pero di ko alam kung sino, sabi nila sa bahay baka si papa pero di ko pa confirmed hanggang sa mga oras na’to. Yun rin siguro yung last goodbye ng phone ko.

Kaya siguradong sigurado ako na nasa bag ko yung phone ko kasi kita ko panga yung ilaw na tumatagos sa tela ng bag ko. Kasi nakalagay lang sya sa harapan ng bulsa ng bag ko. ( Yun ang mali ko, Katangahan) Pero di ko na sya sinagot kasi pababa na ko ng taxi at delikado kasi sa Highway nya ko binaba na hindi ko rin alam kung bakit. Kasi hindi naman talaga doon yung babaan kasi delikado nga dahil sa mga sasakyan, pero don nya parin ako binaba.

Pa minsan minsan lang ako dumaan sa Terminal ng sandigan lalo na’t gabi dahil madilim sa parteng dulo ng pathwalk dahil sira yung mga light post dahil sa ginagawa sigurong ospital sa harapan. At may history narin yung ate ko doon na snatch rin yung MYPHONE NYA NA KEYPAD! Imagine what drugs can do!!!

Namiss ko yung bag kong ‘yon, Ang ganda color Red. Isa sa mga favorite kong color, kaya binagpack ko sya ng maayos na hindi nakalagay sa harapan ko.. Feel na feel ko ang ganda ng bag ko, Wala akong pake at masyado akong tiwala.

Habang naglalakad ako may dalawang lalaking nauuna sakin na ang bagal maglakad. Pero di sila naglalayo ng distansya na dapat diba nag-uunahan sila pero hindi.. Hindi ko iniisip yon. Nag dire-direcho ako hanggang mapalagitnaan nako nilang dalawa, Walang nangyari tutukan o kung ano man.

Ang nangyari lang ay hindi ako makadaan agad dahil sa bagal maglakad ng lalaki sa harapan ko kaya bumagal rin ako.. Pero mabilis lang yong mga pangyayaring yon. At nung time na nakalampas nako sa kanila ABA!! yung dalawa tumakbo ng mabilis at hindi ko alam kung bakit. Hanggang sa nakarating nako ng bahay.

GOOD THING kasi nabili ko yung guyabano shake na favorite ko!

BAD THING is bukas yung bulsa ng bag ko!

 

 

 

 

 

 

Advertisements

Sobrang babaw mag-isip ng mga tao sa WordPress

Long time no Blog!

Naging sobrang busy ako sa lahat ng mga gawain sa school at sa work, kaya eto ngayon ako—muling nagbabalik. (hehe)

How this things (blog) started?:

• I want to explore a new kind of platform to express my feelings

• Gusto ko maging Happy!

• Gusto ko ng libangan sa opisina.

• Gusto ko i-Blog ang pag bili namin ng isang Concert ticket.

Wait? what?!

Oo ganon na nga…

Pero bakit?

Eto.. I started blogging last December 3, last year 2017 and I discovered wordpress simply because of Maine Mendoza, ang Lodi ng lahat. I’ve read her blogs and started to get interested of wordpress, dahil libre naman ito for pesonal blog purposes so why not?

Ahh okay.. At ano naman kinalaman ng ticket?

ay oo nga pala

November 23, Nag start ang lahat. Bumili ako ng ticket concert ng Paramore at natuwa ako, at dahil sa sobrang tuwa ko.. dahil naging success ang nangyari—Isunulat ko sya dito sa blog ko. Para hindi ko makalimutan ang nakakatuwang experience na nangyari sakin dahil it’s actually my first time na makipagbalyahan para makabili only for a ticket! Meron pa akong isang target na gusto ko talagang mapanuod… ang Coldplay (someday)

Here are some of the photos that I captured.. 8/23/18

ang cute ng baby!

Totoo nga pala talagang sobrang saya manuod ng Concert! Lalo na sa malakihang crowd, Daig mo pa nasa roller coaster sa kabog ng dibdib mo. At totoo rin pala talaga ang sabi nila na once na makapanuod ka ng concert, talagang gugustuhin mong manuod pa uli ng iba pang concert! Kaya naiintidihan ko na yung mga taong nag-iipon talaga kahit sobrang mahal pa’yan, Makabili lang ng concert ticket ng iniidilo nila.

Ganon ka-babaw ang kasiyahan ng mga tao dito sa mundo. Bili ka ng ticket, Masaya ka na! Kaya do what you think that makes you happy…

At ganon rin kababaw ang dahilan ko kung bakit ko sinimulan mag blog.

Hanggang sa muli!