Tama ba ito?

 

Medyo late na, Pero ipost ko parin..

Sa isang taon at kalahati kong pag-stay sa isang BPO company na (sa wakas) ay naisipan ko narin ang mag resign!

“YEHEY! Normal na ulit ang tulog ko, mapapanuod ko na uli ang eat bulaga sa tanghali, Maluwag na schedule ko sa school dahil full-time study na, mas marami ng quality time with my family and friends! At syempre makakawala na ako sa kompanyang ito!”

Ang saya sobra! Yung tipong naiimagine ko na lahat ng pwedeng mangyari, na pagkatapos ng klase onting tambay lang muna kanila miko mag ku-kwentuhan uli ng mga kanya kanyang pangarap, tapos.. Pagkatapos… Sila naman pupunta dito sa bahay; tugtog ng gitara, tapos kakain ng luto ni mama at sobrang rami pang pwedeng gawin dahil syempre free na ako sa lahat! Haha

At eto pa. Nag plano narin ang maging healthy living. Ang mag-gym ng every other day tapos ituloy na yung hobbies ko na mag drawing uli, mag edit ng kung ano-ano…at sobrang rami ko pang plano sa buhay after kong mag resign sa trabaho.

*sigh* sobrang sarap talaga mabuhay ng ganon kaya talagang sobrang excited narin ako sa last day ko.

Dahil balik na ako sa normal kong gawain… Babalik na ako sa normal kong buhay.

Tatlong araw lumipas ng magpasa ako ng resignation letter.

Sabi ni mama “Ano, napasa mo na ba yung resignation letter mo?”

“Oo, mejo nalungkot nga ako, tsaka ng hihinayang rin daw sila, pero okay lang naman yon diba ma?”

“Oo naman. Mas maganda yan para mas matutukan mo yung pag-aaral mo, Aki”

Mag-aaral na ako uli, hindi na ako magiging working student. Ang saya isipin pero paano na ako?

Sinong magbabayad ng tuition fee ko?aasahan ko paba ang tatay ko na nagta-trabaho sa malayo para suportahan kaming tatlo na nag-aaral sa private school sa college at ng isang nasa highschool?

Na ngayon ay natapos na ang kontrata ng kanyang kasalukuyang project at medyo walang kasiguraduhan sa kanyang next na project?

Hihingi pa ba ako ng perang nakukuha ni mama sa padala ni papa para pang bayad sa bills at daily expenses namin dito, para sa allowance ko?

Na ang papa ay 60 years old na ngayong taon at ang nanay ko na 54 na rin sa taon na’to?

Hindi man nila sabihin samin, pero ramdam kong hirap na hirap narin sila.

Dapat pa ba kaming umasa?

After ko mag resign, syempre ayoko ng wala akong hawak na pera dahil nasanay narin ako na merong sinasahod every 15 at katapusan ng buwan

Kaya naisip ko na mas maraming pwedeng gawin sa labas ng BPO na pinag ta-trabahuhan ko. Pwede kong kausapin yung prof. Ko na minsan nagpapagawa sakin ng logo at posters, yung nga kaibigan ko na nasa teatro para maging assistant ng ilang oras, yung mga on call raket sa mga events na kailangan mo lang mag bantay at may pera kana! na kahit maliit ang bayad palag na pang gastos sa tatlong araw. Kaya talagang naging pursigido akong mag resign dahil sa mas lalawak ang kaalaman ko at marami akong pwedeng gawin.

Pero naisip ko rin na kailangan ko ng fixed na trabaho kaya eto…

Convo naming tatlo sa messenger ng mga mababait kong tropa.

“tara pre, try natin mag apply sa fast food”

“oo pre, dapat malapit lang sa school para di hassle”

“oo, tara! Kasi kailangan ko talaga. Kasi nahihiya rin ako sa parents ko, kailangan ko ng pangkain”

“kaya nga eh, sige sabay sabay na tayong tatlo”

“Meroon bang kahit 4 hours don kasi gusto ko mag full-load ngayon”

“Meron”

“Magkano?”

“mga 72/hour”

So… sa 4 hours x 72/per hour x yung cut off. Magkano sasahurin ko? Kayo na bahala mag compute.

Basta, hindi kasya sa halos bente mil pataas kong tuition per sem. kung mag ta-trabaho ako sa isang fast food.

Kung baga, kung gorabels ako. Talagang kasya lang sya sa pang araw araw kong allowance sa pagkain, pamasahe at sa books.

“mukhang negatib ata ako dyan tol”

Pero pano to?! Nag pasa nako ng resignation. Parang nakakahiya namang bawiin pa.

Hala wag, nakakahiya, Sabi ko pa naman sa boss ko na…

“Sir, sa totoo lang. Nagsasawa na po talaga ako sa ginagawa ko, feeling ko paulit ulit nalang ginagawa ko sa araw-araw, Masaya po ako sa mga kasama ko pero hindi na po ako masaya sa trabaho ko”

Sheeet! Hahaha, ang tapang ko pa ng sinabi ko yan!

Sabi naman ng tropang pwends ko…

“FRIIEEEND! surprise namin sa’yo sa last day mo hindi kami papasok para ikaw ang malungkot at hindi kami”

“Okay lang yan frieeend, tanggap naman namin, basta bonding parin dapat outside the premises”

Lahat ng kakilala ko sa office binibilinan ako ng mga dapat kong gawin after ko mag resign, nag-papabaon narin ng mga malulupit na life lessons na para sakin rin naman.

TAPOS BIGLA KONG BABAWIIN?

Yung pagkatapos kong kausapin yung mga tropa kong mag aapply sa fast food, Bigla kong na realize na..

Ma-swerte narin pala ako, sige sabihin na nating gising ako ng buong gabi pero may time parin naman sa araw para matulog, (sanayan nalang talaga) pero kasi napapalibutan ako ng mga mababait na tao, Mga close pwends!, Mga sobrang considerate na boss na madalas ikaw nalang mahihiya at na hindi ganong kabigat na trabaho.

Nakakapag sulat nga ako ng blog dito sa office e hahaha

Kaya, okay narin pala ako dito. Kaya ko parin pagsabayin tulad ng nakasanayan kesa sa maghahanap na naman akong ng panibagong trabaho na dito ay regular na ako at nakakatanggap na ako ng sapat na pera pang allowance at pang tuition ko.

pakiramdam ko ay pabigla bigla ako ng desisyon na hindi inisip ang mga consequences pag nag resign na ako.

Dahil kailangan ko na talagang tanggapin na hindi na ako bata, hindi na ako dapat umasa lang sa kung anong mga posibleng darating palang. na dapat Matured na akong mag isip.

Gusto kong mag take risk, pero mahirap. Lalo na sa sitwasyon na wala namang kasiguraduhan ang lahat, Inisip ko non bago ako mag-pasa ng letter. Kailangan ko’tong gawin para mas mag grow pa ako bilang isang tao dahil mas marami pa akong dapat matutunan sa labas.

“Bahala na after, marami namang trabaho jan na pwendeng pasukan”

Hindi ganon, hindi lahat natatapos sa salitang bahala na. Mahirap sumugal sa isang bagay na wala namang sapat na kasiguraduhan. Mas masarap palang mag take risk, kung marami kang option; marami kang mga back-up plans.

Dahil sa ngayon, kelangan ko muna isipin ang priorities at responsibilidad ko sa sarili ko at sa family ko. Hindi ko pa time para mag explore ng ibang trabaho. Kailangan ko muna isipin kung saan ako safe at sigurado.

Pwede ko pa naman gawin lahat ng gusto kong gawin kahit na magiging hectic nanaman ay schedule ko. Ngayon mas nabigyan ko ng halaga ng trabaho., na hindi pala talaga madali ang buhay, kaya kailangan mag-sikap para sa mas magandang future.

At eto na siguro ang pinaka mature na naging decision ko sa buong 20 years of existence ko dito sa mundo.

Ps.. Tinanggap ako uli ng kompanya, tuluyan ng nabawi yung resignation letter ko!

2 thoughts on “Tama ba ito?

  1. “..hindi lahat natatapos sa salitang bahala na… Mas masarap palang mag take risk”
    I totally agree! 🙂 Masarap mag take risk lalo na kapag gusto nating mas matuto sa buhay especially kung lahat ng options nakalatag na sa harapan natin. But like what you said, balance the priorities and alamin muna natin kung ano ba yung mas importante sa’tin ngayon at sa mga susunod na araw. And I know that it is something you would be proud of sa TAMANG PANAHON(Sorry fan ng Aldub). At sabi din ng kaibigan kong matsing “If you wanna learn, take a risk. Don’t always play safe or you’ll die wondering” 🙂

    Liked by 1 person

  2. Wala namang masama sa pag take ng risk. In fact, one factor yan para mas makilala natin ang ating sarili. Masaya akong nabawi mo ang resignation letter mo kaya buo nanaman ang 3 idiots under the supervision of Sir Reymen hahahaha. bet na bet ko yang huling testamento ni sir …“If you wanna learn, take a risk. Don’t always play safe or you’ll die wondering”

    Liked by 1 person

Leave a comment