One lovely blog award

Nakakatuwa dahil sa wakas may taong nakaisip na inominate ako sa ganitong award haha ! Kung titignan mo napaka imposible na manominate ako ng isang blogger sa ganitong award—so strange ..

Dahil ang nagnomimate lang naman sakin ay ang matagal ko ng kaibigan o sabihin nalang nating bespren, ka bromance, ka-jam, kapatid (pero actually tatlo talaga kami, wala nga lang blog yung isa) at kung ano ano pa na si emengoyal.

Diba? Napaka imposible…

Pero salamat pre sa suporta kahit na ikaw lang naman talaga bukod kay rheasilient ang matyagang nagla-like at nagko-comment sa lahat ng entry ko since day one HAHAHA! Consistent yon san kapa!?

Tama na ang intro , simulan na natin ‘to.

Rules:

•Thank the person who nominated you and link their blog in your post.
“Done!”

•You must include the rules and the blog award image in your post.
“here na po oh”

•You must add 7 facts about yourself.
“alright!”

•Nominate 15 people to this award.
“mahirap pero sige!”

Fact#1: Isa po akong Masscomm student, kahit na dati simula nung pagkabata ko palang ay nakatatak na sa isipan kong maging Engineer o kaya isang Architect dahil sa pag Idolize ko sa tatay ko. Ewan ko ba kung bakit pero nung 4th year highschool ako bigla nalang nagiba ang aking interes at nahumaling ako sa Film and Media kaya eto , Masscomm ang kinuha kong kurso.

Fact#2: Hindi katulad ni emengoyal at ni Erick na magaling sa basketball o kaya sa iba pang sports dahil ako naman ay hindi marunong mag basketball . Gusto ko ng basketball pero ayaw niya sakin, sa tuwing nagdi-dribble ako sa mukha ko dumideretso ang bola.

Fact#3: Sa pamilya, May talento kami lahat sa pag du-drawing bukod sa Nanay ko hahaha! May kanya kanyang forte kami sa pag guhit. Si Kuyang panganay magaling sa Color Pastel, Si Jeric naman ay magaling sa lahat pag dating sa art, si Ate Jesi ay magaling sa Calligraphy, si Angel ay sobrang napaka linis mag drawing yung tipong di na kailangan ng eraser, ako? Gustong gusto ko ang color pencils, si Bunso naman ay nahahawig rin sa istilo ko sa pag drawing, si papa naman ay magaling gumuhit pagdating sa mga bahay, building at iba pa at Si Mama? Magaling gumuhit ng Stickman.

Fact#4: Hilig kong laruin ang Gitara, Gustong gusto ko talaga ang tunog ng gitara kaya siguro talagang inaral ko ito noong grade 5 ako. Para ako naman ang gumawa magandang tunog at alayan ang ang babaeng naging inspirasyon kong matutong mag gitara; ang nanay ko.

Fact#5: Munggo ang favorite kong ulam. Pag alam kong munggo ang ulam talagang sobra sobra ang busog ko nan. Lalo na kung luto ng nanay ko… Haaaay! Talagang busog ka talaga. Alam yan ni miko hahaha

Fact#6: Wala akong Girlfriend. Single ako, single na single hahaha! Naka ilang palit na ata ng gf sina miko at erick pero ako heto , Single parin hahaha.

Fact#7: Hindi ako ganon katalino, Hindi rin ako kakinisan, at hindi rin naman ako kagwapuhan pero sobrang pihikan ako pag dating sa babae. Kaya siguro hanggang ngayon single parin ako., Meron akong talagang minahal pero di rin kami nagtagal pero pagkatapos non wala na. May ilang babae (Wow naman! Haha) na minsang napalagayang loob ko pero di rin nagtatagal. Sa akin kase, pag meron isang bagay na talagang hindi ko nagustuhan sa taong ito kahit na sa isang maliit na bagay lang ay matu-turnoff ako agad at mawawalan ako ng gana, Ewan ko ba kung bakit pero naiinis ako sa ganitong ugali ko. Gusto ko kasi pag ka nag ka Girlfriend ako, iniimagine ko na agad na sya na ang makakasama ko pang habang buhay, yung tipong ikaw lang sapat na! Yung sya na talaga ang papakasalan ko at wala ng iba pa.

Kulang ang pitong facts para kilalanin ako, Pero kung may time ka talagang kilalanin ako haha basahin mo nalang ang ibang entry ko dito sa blog ko. Salamat!

Nominees

(yung nominees ko po ginaya ko lang yung kay miko hahaha)

The RheaSilient

BlagBloodBlog!

Apple Rae

Cheesecake

ShadesofWanderer

bughawblueasul

Left Pencil

HannahtheGrace

Monch Weller

michnavs

dakilanglaagan

boredsensei

thatlittlegirl

happysunday

Hindi naman po ito sapilitan. Pero pag nanominate ka at hindi mo ito ginawa. Mamalasin ang lovelife mo ng 200 years. Kaya mapipilitan ka talaga.

Advertisements

29 thoughts on “One lovely blog award

  1. Salamat sa pag nominate, Jack. Actually nakagawa na din ako ng entry ko a few days ago kase ni-nominate din ako ni Miko. ☺

    Gusto ko din ang monggo. Mura na, masarap pa. Heheh.. Bakit nga ba madalas monggo ang ulam pag biyernes? 😮 😄

    Liked by 1 person

    1. walang-anuman ! 🙂

      Sabi po sakin ng nanay ko , Kaya monngo lagi ang ulam pag biyernes dahil nung araw daw, Weekends lagi namimili ang mga tao ng kanilang supplies ng pagkain sa pang-buong linggo.

      Isa yon sa maraming rason kung bakit haha dahil ang monngo ay ang pinaka-mahaba ang buhay na pwedeng makatagal ng ilang araw kumpara sa Karne at Isa na laging inuuna na iluto.
      Kaya laging nahuhuli ang monngo at saktong natatapat ng Biyernes hehehehe

      Marami pong version na kwento pero ayan yung pinaka alam ko haha

      Liked by 2 people

      1. Ah ganun ba yun? Yung nadinig ko naman yung gaya din ng sinabi ni Miko. Bawal daw ang karne pag biyernes. Pero di bale, masarap pa din ang monggo kahit anong araw pa yan lutuin. 😄

        Like

    2. Meron po kasing mga tao na sumasampalataya na bawal ang karne sa biyernes kaya munggo na lang ang ginagawang ulam.

      Pero ang totoo po niyan, magastos kasi ang sunday to thursday kaya pagdating ng biyernes munggo na lang ulam. tapos sa sabado naman, iinit na lang hahahaha joke.

      Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s