Red Stick’s Drawing Chronicles

Bata palang talaga ako mahilig na talaga ako sa drawing, na sa sobrang hilig ko parang naging pang-pakalma na ng magulang ko na bigyan ako ng lapis at papel para lang ako ay manahimik . Mas pipiliin ko pa nga bilhan ako ng Crayola kesa sa magagarbong laruan at kung ano ano pa.

Medyo maswerte rin ako dahil kahit papaano eh hindi ko naranasan ang teknolohiyang ginagamit ngayon na nilalaro ng mga bagong henerasyong mga bata . Ibang klase na ang mga bata o kahit baby ngayon , umiiyak at nagwawala sila sa tuwing inaagaw sa kanila ang phone o tablet dahil nauudlot ang kanilang panonood ng baby shark at skidamarink.

Yung hilig ko sa pag guhit ay nadala ko naman hanggang sa paglaki ko . So hindi ko na papahabain pa , Eto ang mga ilan sa mga na drawing ko :


(Chloe Moretz na panot)

2015 noong nahilig ako uli sa pag drawing , I mean sa realistic portrait kuno na kahit na trying hard ako sa pag gaya ng napili kong reference ay sinubukan ko parin.


(Angelina Jolie na kinulang sa ilong at na sobrahan sa bibig)

Sa tuwing nag p-post ako ng artwork ko sa facebook , syempre hindi ako papayag na hindi kaaya aya. Kaya lalagyan ko sya ng filter o kaya tataasan ko ang contrast para kitang kita.


(Kellin Quin-nulang )

Mahilig akong mag drawing tapos hindi ko tatapusin dahil minsan kasi ay palagi pala pag sa tingin ko okay naman na , tatamarin na akong tapusin pa yung drawing ko.


(Kristen Stewart a.k.a Bella-baba)

Sa pag du-drawing , Lalo na’t kung ika’y baguhan katulad ko, Hindi mo talaga maiiwasang mabago ang itsura ng drawing mo kumpara sa reference mo hahahaha Freehand ang tawag sa ganyan.


(Butterfly inpired by a Paramore album)

Syempre gusto ko rin naman mag explore kahit pa paano .


(Parrot-charot)

Paminsan minsan , dapat wag naman puro mukha ng tao lang hahaha!


( #forPaul)

Dahil sobra akong nalungkot sa pagkamatay ng idol ko na si Paul Walker, Inalayan ko sya ng isa kong obra.


( Alexdra (ma)-Dadarrio)

Pinagtuuan ko’to talaga ng pansin in all fairness dahil sobrang parusa ang buhok sa drawing , kailangan mo talaga ng matinding pasensya kapag nasa part kana ng buhok. Pero kung tutu-usin mas madali mag drawing ng may buhok kesa sa semikal at skinhead—opinyon ko lang naman yon.


( Cara-(baw)Delevigne )

Ewan ko ba kung bakit nakikita ko sakanya si Lovi Poe pero para sa ilan , okay naman daw . At eto pa , yang drawing nayan ay naibenta ko lang naman sa halagang 300 pesos lang naman HAHAHA Medyo proud na ako non dahil for the first time , may hunghang na nag ka interest na bilhin ang isa sa mga drawing ko.

( Pero paminsan minsan may nag pa-pa drawing naman sakin ng may bayad , kaya comment lang sa baba kung interesado ka)


( Shooting Star )

Naisipan kong gumuhit ng isang shooting star dahil sa aming graduation song na “Go the Distance ”

“Like a shooooting staaar ! I can go the distanceee “


( #mayForever)

Eto talaga ang pinaka paborito ko sa lahat ng cartoons, Ang ” Up “ dahil sobrang cute ng palabas na ito na lalong naging cute dahil sa tabachingching na si Ruselle at sa mag-asawang lolo at lola. Haaaayyss ❤


( Taylor Swift ay este Taylor Hill)

Noong minsan akong nakapanuod ng VS Fashion Show , Talagang sobrang ma-mamangha ka sa kanilang kagandahan. Walang hindi maganda sa mga models na ito dahil may kanya kanya silang appeal sa manunood at si Taylor Hill ang talagang pumukaw sa mga mata ko dahil sa angkin nyang kagandahan at ka sexy-han.


( Liza-(rd) Soberano )

Ang hinirang ngayon na may pinaka magandang mukha sa balat ng lupa. Sa totoo lang ay proud ako sa gawa kong ito dahil dito ko nakita na meroong rin pala akong naging improvement sa ilang buwan kong pag du-drawing . Kahit na sabi ni www.emengoyal.wordpress.com na ito daw ang pinaka ma-bantot na drawing ko dahil muka daw sinapak ni Manny yung ilong. ( akala mo ah , hahahahah)


( si Kras )

Hi kras ! Sa tingin ko naman , hindi mo ito mababasa kaya okay lang haha . Mabibigay ko na sa ito sa kanya dahil nakumbinsi ko syang makipag kita sa school ang kaso lang ay hindi nya ko sinipot sa oras nayun . Ang sakit , sobrang sakit ang dulot sakin non na halos magpakatiwakal nako hahaha biro lang. Pero sobrang valid naman yung reason nya at nagkaroon pa sana ng part two kaso hindi maisingit sa schedule naming dalawa ( kala mo mga artista eh haha)

Comment down below your suggestions If I will still going to give it to her or wag na.


At eto ang pinaka favorite ko sa lahat ng drawing ko, Ang drawing ko para sa aking pinaka mamahal na Nanay . Madalian ko lang itong ginawa dahil huli ko ng nalaman na Mother’s Day na pala kinabukasan ng gabing iyon. At sa lahat ng drawing ko ay dito talaga ako pinaka natuwa hehe



At syempre , sobrang laki ng pasasalamat ko sa aking pinaka mamahal na Tatay na nag bigay at nagturo sakin ng talento sa drawing.

Kung hindi dahil sa kanya , hindi ako ma(i)-inspire gumuhit .


Sa ngayon hindi pa ako uli nakakapag drawing dahil sa walang time at busy, Pero hindi ko sasayangin ang bigay na talento sa akin ng aking Itay dahil lang sa tinatamad ako.

Alam ko na hindi ako magaling , dahil kitang kita naman talaga kumpara sa mga ibang drawing na akala mo’y litrato na. Dahil naniniwala ako na there’s always a room for improvement at ika nga nila..

Practice makes Perfect”

Advertisements

26 thoughts on “Red Stick’s Drawing Chronicles

    1. Yun po talaga yung goal ko , na makuha ng matinding lesson galing sa mga pro . Sana nga lang e makatagpo ako ng tao na talagang magtuturo sakin at tutulong para mag improve ako lalo . Anyway , Salamat po ng marami 🙂

      Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s