Bampira sa gabi , anghel sa umaga

“Nag-aaral para magka trabaho” Iyan ang kadalasang mind-set ng mga Estudyanteng kasalukuyang nag aaral , Nag aaral ng mabuti para mag karoon ng magandang trabaho in the near future. Lahat naman siguro ng taong nag-aaral ay magandang big future ang hanap, pwera nalang kung nag aaral ka pero ang hanap mo ay maganda na meroong big future. Ibang usapan na yon .

Pero pano kaya kung baliktarin rin natin ang mind-set , “Nagta-trabaho para makapag aral”

2nd year college ako ng mag decide akong mag-stop sa pag aaral , Dahil kay financial Matter. Nakakalungkot yon syempre .. Kaya kesa naka tengga ako sa bahay nag-hanap ako ng posibleng trabaho , minsan sa sobrang na paranoid ako noon naisipan kong pumasok sa club at mag macho dancer, ganon kasi diba pag di mo na alam yung gagawin ,kung ano ano nalang papasok sa utak mo hahaha .

Pero pano kaya kung pumasok ako sa kolsener ? I mean Call Center ?

BAMPIRA SA GABI

Animo’y bampira kung umasta

Gising sa gabi , gising parin sa umaga

Kasalukuyan kong itina type itong blog na’to sa station ko dito sa kompanya . Malaya ako kasi naka lunch break sila boss at tulog mga katabi ko. (Sana lang talaga walang makabasa neto na ka opisina ko HAHAHA)

Pag ka 18 ko palang ay nag decide nakong mag hanap ng work , sinubukan kong sa fast food pero di ako matanggap dahil daw sa 250/300 na vision ko; sinubukan kong gamitin talento ko sa pag du-drawing kaso tamad ako; siguro nga kahit na pumasok ako sa club di rin ako matatangap kasi matigas katawan ko. Kaya nag try ako sa call center kahit na nung una ay naiisip ko na imposible akong makapasok sa ganong propesyon pero ayun na ipasa ko naman ang interview ( salamat sa awa ng Bathala). First time kong mainterview sa trabaho non , naisip ko nakakakaba pala eto kesa sa ini-interview ka ng nanay mo . Mahirap pumasok sa industriya ng BPO , ilang katutak na interview ang pag dadaanan mo bago makamit ang inaasam , lalo na sa talagang malalaking kompanya na nangangailangan na mas higit na galing at talino sa trabaho.

Pero ma-suwerte ako sa kompanyang kinabibilangan ko ngayon , Dahil maliit man sya kung tignan, swak na swak naman sa mga estudyanteng katulad ko na nagsisikap kuno.

Dumating na ang pasukan , Nag enroll ako. Pinag sabay ko ang pag aaral at pag ta trabaho . Infairness ah mahirap sya , na alala ko nung minsan akong napahiya sa prof. ko . Dahil wala akong ideya sa pinag tatanong nya , kasi yon pala pina assignment nya na basahin yung Trojan war pero ayun ako , tulog —tulog pala ako ng panahon nyon na yung mga loko loko kong classmate di man lang sinabi sakin.

Prof: “Tell me about Trojan War.”

Me: “I’m sorry? Pardon me ma’am (meym)” *with native american accent payan*

ANGHEL SA UMAGA

ang bampira sa gabi’y

na aanyong anghel sa umaga

“Nag ta-trabaho para makapag aral” ay wait dapat pala dugtungan natin yan “Nag ta-trabaho para makapag aral at mag karoon ng mas magandang kinabukasan” . Mahirap ang maging working student , mas mahirap pa sa inaakala mo . Lalo na sa aming pang gabi ang pasok , talagang makakatulog ka kahit nakatayo . Minsan nga tinatanggal ko nalang salamin ko sa tuwing nag lalakad ako sa hallway ng school . Para may dahilan ako para hindi sila pansinin dahil alam nila na hindi ko sila kita pag wala akong salamin Ayoko na makipag usap pa hahaha.

Pero marami akong natutunan sa tinatawag nilang ” Real world”

Dahil sa realidad na mundo , bawal ang late , bawal ang “ma’am may I got out?” dahil limitado lang ang oras ng pag ihi at paglabas ng sama ng loob sa inidoro at lalong lalo na bawal ang absent. Sa trabaho naka schedule ang dahilan mo para mag leave.

ay, madadapa ako sa monday”

” naku , may mamamatay akong kamag-anak sa friday”

mag kakaroon ako ng emergency sa sabado , family matter “

Pahirapan pa ang pag approve nan.

At eto pa, na intindihan ko na rin kung bakit tuwing may bagyo , College lang lagi ang kadalasang may pasok. Sinasanay lang pala tayong mga estudyante sa “real world” . Dahil sa trabaho, umulan man bumagyo; mabungi man ang nanay mo (corny) papasok at papasok ka parin kahit anong gawin mo.

Ngayon ko lang rin na pagtanto na malas ka kung ang prof na matapat sa’yo ay pala absent. Nagbabayad ka ng maayos tapos matutulog ka lang sa klase habang naghihintay ng prof. na dumating ay ako lang pala yon.

Siguro nga matatawag na masuwerte ang mga studyante na may pang tuition , pero hindi ko naman sinasabing malas ang mga katulad ko . Meroon lang talagang kanya kanyang struggles sa ating lifetime . That’s why life is unfair because that is how life becomes fair. Ika nila..

the best has yet to come”

O sya sige na , nandito na sila TL . Hanggang sa muli!

41 thoughts on “Bampira sa gabi , anghel sa umaga

      1. Uhmm that’s a no no , hahahaha . I’m also like you , mahiyain—at first haha , pero once na makarating ka sa maskom . Gugustohin mo rin ginagawa nila .

        At isa pa , di naman lahat ng maskom kailangan ng kapal ng mukha hahaha , feeling ko nga mas nag ssucceed ang mga introverts writers eh . Kaya wag kana mag dalawang isip pa . Hehe

        Like

    1. Btw , bakit every time na cniclixk ko yung domain mo walang lumalabas . Di ko alam kung sakin yung problema or sayo 😦 kasi ikaw yung ganon , “Nothing Found” ang lumalabas. Though sa reader lumalabas po yung post nyo pero pag sa site , di ko alam bakit hindi sakin mabasa .

      Like

      1. Try mo sa settings , baka hindi naka primay yung tunay mong domain na writeunderlight.wordpress.com , kasi sayang naman kung nothing found lang makikita . 😦

        Like

      2. Oo nakita ko naman . Kaso pag ganoon , tayo tayo lang ang makakakita na may account sa wordpress ang makakakita . Pano yung iba ? Na walang account pero gusto mabasa blog mo ? Sayang 🙂

        Like

  1. Try mo to : Punta ka sa profile mo and then click mo account settings , tapos primary site. Tapos gawin mong primary site yung hannathegraceblogs.wordpress.com , kasi napansin ko yung nothing found na page ang nakalagay na domain ay iba , Writeunderlight.wordpress nakalagay. Kaya siguro ayaw

    Liked by 1 person

Leave a comment