Pwede pa kaya?

Is it too late for me to do what college boys do in their lives? Yes, I’m young, 21 years old guy who does nothing but to think of certainties of what my viability could be without shouldering bigger responsibilities in a life to be a good time supposedly.

When I was in my second year, I dreamt of having my own money, but those things were not as much of my priority as I can think of now, perhaps. . Those are times that I just enjoy my life with the company of my friends. I do think of some struggles that wishing not to come back which somehow I’m thankful of, since its giving adrenaline to push even more harder at my tough times.

I also have this nostalgia every time I see dawn, wherein all memories came flashing back through my brains— just a meaty like substance that hence, let me feel happy but giving me despair at some point…

There’s one time my best pal asked me while I’m on my break, if I do enjoy work? I was lying on a leather bed with my head compressed on a leather cushion, staring at my phone kept on asking myself as well, how am I doing lately?

I just responded to him with one sentence.

“Ang gusto ko lang naman tumambay sa campus, after class”

Nang Dahil sa GUYABANO SHAKE!

facebook post

PAANO. ITO. NANGYARI.

Simulan natin dito.

5:30 AM – Dumating ako sa bahay galing opisina, the usual things na ginagawa ko na dapat at around 6 AM nakahiga nako sa kama para makatulog. Sa totoo nan, ginagamit ko ang alarm clock ko sa phone ko in-reverse—Pag nag alarm na ng 5:55 AM start na dapat na matulog ako, Ganon ko sa tingin i-manage yung time ko.

Ang galing no? Pero hindi ko nagawa yon sa araw na nakawan ako.

Wala akong ibang inatupag kundi mag cellphone na dapat iniiwasan ko naman talaga pero nung araw na’yon talagang hindi ko sya mabitawan.. Siguro way ng phone ko yon para sulitin ang mga last moment namin together. (sad) Ang daming interesting na content na nakikita ko sa facebook, sa youtube, sa instagram pati dito. Kaya hindi ako nakatulog talaga hanggang 10 AM.

Nag-panic na ako! “Pano ‘to? May rehearsal pa ako ng 1PM! tapos may klase ako ng 3-6PM tapos may pasok na ako uli sa work ng 8:30PM!”

Hindi parin talaga ako makatulog, talagang ayaw akong tantanan ng phone ko. What I did is nag excuse nalang ako sa producer ng prod. namin na malilate ako ng bahagya dahil wala pa talaga akong tulog!

11AM- Feeling ko tulog na ako nan

2PM- Sabi ko pa naman sa kanila malilate ako ng bahagya pero anong oras na, 1 Hour na ang nakalipas wala pa ang Director nila. Naligo ako agad, pagkagising na pagkagising ko, kahit masama daw ang pagligo ng walang tulog ligo lang kasi ayaw ko namang mamaho syempre.. nandun pa naman si kras ko.

“Nasan bag ko?! late nako!”

Nawawala bag ko, hindi ko alam kung san ko nalagay.. dahil sa pagmamadali pinulot ko nalang yung bag na ginagamit ko dati ng 1st year ako. Wala na akong choice.

Lagay ng notebook / check!

Sandals / check!

damit pamalit / check!

wallet / check!

Cellphone / CHECK!

3PM- Nakarating ako ng school, nakabihis na sila lahat para sa preview ng play namin.

“How’s you direk!”

“I’m great! Tara let’s start”

Naging successful ang preview namin kay prof. Ang saya sobra, Dahil di namin in-expect yon.

6:30PM- Nag-aabang na ako sa sakayan pauwi ng mga classmates ko. Pero dahil nakaka-angat sa buhay yung isa kong classmate na may pang-Taxi, sumabay nalang rin kaming tatlo tutal niyaya nya naman kami at sakto may mga bitbit rin kami. Sa sobrang rami naming dala kaya nilipat ko yung phone na nasa bulsa ko sa bag, Para di sya maiipit ng mga bitbit ko at para makagalaw rin ako ng mas maayos.

” Madam, Sige sa sandigan nalang ako ang baba, para makauwi rin ako”

“Okay, friend!”

Plano ko naman talaga kasing dumirecho nalang sa opisina para di na ganon ka hassle at para makatulog narin ako kahit unti. Pero ewan ko, biglang parang may nag-udyok saking umuwi muna sa bahay… dahil siguro sa Guyabano shake na nabibili malapit samin kaya ako natakam umuwi ng bahay.

7PM- Bago ako bumaba ng taxi, nag ba-vibrate yung phone ko dahil may tumatawag pero di ko alam kung sino, sabi nila sa bahay baka si papa pero di ko pa confirmed hanggang sa mga oras na’to. Yun rin siguro yung last goodbye ng phone ko.

Kaya siguradong sigurado ako na nasa bag ko yung phone ko kasi kita ko panga yung ilaw na tumatagos sa tela ng bag ko. Kasi nakalagay lang sya sa harapan ng bulsa ng bag ko. ( Yun ang mali ko, Katangahan) Pero di ko na sya sinagot kasi pababa na ko ng taxi at delikado kasi sa Highway nya ko binaba na hindi ko rin alam kung bakit. Kasi hindi naman talaga doon yung babaan kasi delikado nga dahil sa mga sasakyan, pero don nya parin ako binaba.

Pa minsan minsan lang ako dumaan sa Terminal ng sandigan lalo na’t gabi dahil madilim sa parteng dulo ng pathwalk dahil sira yung mga light post dahil sa ginagawa sigurong ospital sa harapan. At may history narin yung ate ko doon na snatch rin yung MYPHONE NYA NA KEYPAD! Imagine what drugs can do!!!

Namiss ko yung bag kong ‘yon, Ang ganda color Red. Isa sa mga favorite kong color, kaya binagpack ko sya ng maayos na hindi nakalagay sa harapan ko.. Feel na feel ko ang ganda ng bag ko, Wala akong pake at masyado akong tiwala.

Habang naglalakad ako may dalawang lalaking nauuna sakin na ang bagal maglakad. Pero di sila naglalayo ng distansya na dapat diba nag-uunahan sila pero hindi.. Hindi ko iniisip yon. Nag dire-direcho ako hanggang mapalagitnaan nako nilang dalawa, Walang nangyari tutukan o kung ano man.

Ang nangyari lang ay hindi ako makadaan agad dahil sa bagal maglakad ng lalaki sa harapan ko kaya bumagal rin ako.. Pero mabilis lang yong mga pangyayaring yon. At nung time na nakalampas nako sa kanila ABA!! yung dalawa tumakbo ng mabilis at hindi ko alam kung bakit. Hanggang sa nakarating nako ng bahay.

GOOD THING kasi nabili ko yung guyabano shake na favorite ko!

BAD THING is bukas yung bulsa ng bag ko!

 

 

 

 

 

 

Sobrang babaw mag-isip ng mga tao sa WordPress

Long time no Blog!

Naging sobrang busy ako sa lahat ng mga gawain sa school at sa work, kaya eto ngayon ako—muling nagbabalik. (hehe)

How this things (blog) started?:

• I want to explore a new kind of platform to express my feelings

• Gusto ko maging Happy!

• Gusto ko ng libangan sa opisina.

• Gusto ko i-Blog ang pag bili namin ng isang Concert ticket.

Wait? what?!

Oo ganon na nga…

Pero bakit?

Eto.. I started blogging last December 3, last year 2017 and I discovered wordpress simply because of Maine Mendoza, ang Lodi ng lahat. I’ve read her blogs and started to get interested of wordpress, dahil libre naman ito for pesonal blog purposes so why not?

Ahh okay.. At ano naman kinalaman ng ticket?

ay oo nga pala

November 23, Nag start ang lahat. Bumili ako ng ticket concert ng Paramore at natuwa ako, at dahil sa sobrang tuwa ko.. dahil naging success ang nangyari—Isunulat ko sya dito sa blog ko. Para hindi ko makalimutan ang nakakatuwang experience na nangyari sakin dahil it’s actually my first time na makipagbalyahan para makabili only for a ticket! Meron pa akong isang target na gusto ko talagang mapanuod… ang Coldplay (someday)

Here are some of the photos that I captured.. 8/23/18

ang cute ng baby!

Totoo nga pala talagang sobrang saya manuod ng Concert! Lalo na sa malakihang crowd, Daig mo pa nasa roller coaster sa kabog ng dibdib mo. At totoo rin pala talaga ang sabi nila na once na makapanuod ka ng concert, talagang gugustuhin mong manuod pa uli ng iba pang concert! Kaya naiintidihan ko na yung mga taong nag-iipon talaga kahit sobrang mahal pa’yan, Makabili lang ng concert ticket ng iniidilo nila.

Ganon ka-babaw ang kasiyahan ng mga tao dito sa mundo. Bili ka ng ticket, Masaya ka na! Kaya do what you think that makes you happy…

At ganon rin kababaw ang dahilan ko kung bakit ko sinimulan mag blog.

Hanggang sa muli!

 

 

 

 

 

Tama ba ito?

 

Medyo late na, Pero ipost ko parin..

Sa isang taon at kalahati kong pag-stay sa isang BPO company na (sa wakas) ay naisipan ko narin ang mag resign!

“YEHEY! Normal na ulit ang tulog ko, mapapanuod ko na uli ang eat bulaga sa tanghali, Maluwag na schedule ko sa school dahil full-time study na, mas marami ng quality time with my family and friends! At syempre makakawala na ako sa kompanyang ito!”

Ang saya sobra! Yung tipong naiimagine ko na lahat ng pwedeng mangyari, na pagkatapos ng klase onting tambay lang muna kanila miko mag ku-kwentuhan uli ng mga kanya kanyang pangarap, tapos.. Pagkatapos… Sila naman pupunta dito sa bahay; tugtog ng gitara, tapos kakain ng luto ni mama at sobrang rami pang pwedeng gawin dahil syempre free na ako sa lahat! Haha

At eto pa. Nag plano narin ang maging healthy living. Ang mag-gym ng every other day tapos ituloy na yung hobbies ko na mag drawing uli, mag edit ng kung ano-ano…at sobrang rami ko pang plano sa buhay after kong mag resign sa trabaho.

*sigh* sobrang sarap talaga mabuhay ng ganon kaya talagang sobrang excited narin ako sa last day ko.

Dahil balik na ako sa normal kong gawain… Babalik na ako sa normal kong buhay.

Tatlong araw lumipas ng magpasa ako ng resignation letter.

Sabi ni mama “Ano, napasa mo na ba yung resignation letter mo?”

“Oo, mejo nalungkot nga ako, tsaka ng hihinayang rin daw sila, pero okay lang naman yon diba ma?”

“Oo naman. Mas maganda yan para mas matutukan mo yung pag-aaral mo, Aki”

Mag-aaral na ako uli, hindi na ako magiging working student. Ang saya isipin pero paano na ako?

Sinong magbabayad ng tuition fee ko?aasahan ko paba ang tatay ko na nagta-trabaho sa malayo para suportahan kaming tatlo na nag-aaral sa private school sa college at ng isang nasa highschool?

Na ngayon ay natapos na ang kontrata ng kanyang kasalukuyang project at medyo walang kasiguraduhan sa kanyang next na project?

Hihingi pa ba ako ng perang nakukuha ni mama sa padala ni papa para pang bayad sa bills at daily expenses namin dito, para sa allowance ko?

Na ang papa ay 60 years old na ngayong taon at ang nanay ko na 54 na rin sa taon na’to?

Hindi man nila sabihin samin, pero ramdam kong hirap na hirap narin sila.

Dapat pa ba kaming umasa?

After ko mag resign, syempre ayoko ng wala akong hawak na pera dahil nasanay narin ako na merong sinasahod every 15 at katapusan ng buwan

Kaya naisip ko na mas maraming pwedeng gawin sa labas ng BPO na pinag ta-trabahuhan ko. Pwede kong kausapin yung prof. Ko na minsan nagpapagawa sakin ng logo at posters, yung nga kaibigan ko na nasa teatro para maging assistant ng ilang oras, yung mga on call raket sa mga events na kailangan mo lang mag bantay at may pera kana! na kahit maliit ang bayad palag na pang gastos sa tatlong araw. Kaya talagang naging pursigido akong mag resign dahil sa mas lalawak ang kaalaman ko at marami akong pwedeng gawin.

Pero naisip ko rin na kailangan ko ng fixed na trabaho kaya eto…

Convo naming tatlo sa messenger ng mga mababait kong tropa.

“tara pre, try natin mag apply sa fast food”

“oo pre, dapat malapit lang sa school para di hassle”

“oo, tara! Kasi kailangan ko talaga. Kasi nahihiya rin ako sa parents ko, kailangan ko ng pangkain”

“kaya nga eh, sige sabay sabay na tayong tatlo”

“Meroon bang kahit 4 hours don kasi gusto ko mag full-load ngayon”

“Meron”

“Magkano?”

“mga 72/hour”

So… sa 4 hours x 72/per hour x yung cut off. Magkano sasahurin ko? Kayo na bahala mag compute.

Basta, hindi kasya sa halos bente mil pataas kong tuition per sem. kung mag ta-trabaho ako sa isang fast food.

Kung baga, kung gorabels ako. Talagang kasya lang sya sa pang araw araw kong allowance sa pagkain, pamasahe at sa books.

“mukhang negatib ata ako dyan tol”

Pero pano to?! Nag pasa nako ng resignation. Parang nakakahiya namang bawiin pa.

Hala wag, nakakahiya, Sabi ko pa naman sa boss ko na…

“Sir, sa totoo lang. Nagsasawa na po talaga ako sa ginagawa ko, feeling ko paulit ulit nalang ginagawa ko sa araw-araw, Masaya po ako sa mga kasama ko pero hindi na po ako masaya sa trabaho ko”

Sheeet! Hahaha, ang tapang ko pa ng sinabi ko yan!

Sabi naman ng tropang pwends ko…

“FRIIEEEND! surprise namin sa’yo sa last day mo hindi kami papasok para ikaw ang malungkot at hindi kami”

“Okay lang yan frieeend, tanggap naman namin, basta bonding parin dapat outside the premises”

Lahat ng kakilala ko sa office binibilinan ako ng mga dapat kong gawin after ko mag resign, nag-papabaon narin ng mga malulupit na life lessons na para sakin rin naman.

TAPOS BIGLA KONG BABAWIIN?

Yung pagkatapos kong kausapin yung mga tropa kong mag aapply sa fast food, Bigla kong na realize na..

Ma-swerte narin pala ako, sige sabihin na nating gising ako ng buong gabi pero may time parin naman sa araw para matulog, (sanayan nalang talaga) pero kasi napapalibutan ako ng mga mababait na tao, Mga close pwends!, Mga sobrang considerate na boss na madalas ikaw nalang mahihiya at na hindi ganong kabigat na trabaho.

Nakakapag sulat nga ako ng blog dito sa office e hahaha

Kaya, okay narin pala ako dito. Kaya ko parin pagsabayin tulad ng nakasanayan kesa sa maghahanap na naman akong ng panibagong trabaho na dito ay regular na ako at nakakatanggap na ako ng sapat na pera pang allowance at pang tuition ko.

pakiramdam ko ay pabigla bigla ako ng desisyon na hindi inisip ang mga consequences pag nag resign na ako.

Dahil kailangan ko na talagang tanggapin na hindi na ako bata, hindi na ako dapat umasa lang sa kung anong mga posibleng darating palang. na dapat Matured na akong mag isip.

Gusto kong mag take risk, pero mahirap. Lalo na sa sitwasyon na wala namang kasiguraduhan ang lahat, Inisip ko non bago ako mag-pasa ng letter. Kailangan ko’tong gawin para mas mag grow pa ako bilang isang tao dahil mas marami pa akong dapat matutunan sa labas.

“Bahala na after, marami namang trabaho jan na pwendeng pasukan”

Hindi ganon, hindi lahat natatapos sa salitang bahala na. Mahirap sumugal sa isang bagay na wala namang sapat na kasiguraduhan. Mas masarap palang mag take risk, kung marami kang option; marami kang mga back-up plans.

Dahil sa ngayon, kelangan ko muna isipin ang priorities at responsibilidad ko sa sarili ko at sa family ko. Hindi ko pa time para mag explore ng ibang trabaho. Kailangan ko muna isipin kung saan ako safe at sigurado.

Pwede ko pa naman gawin lahat ng gusto kong gawin kahit na magiging hectic nanaman ay schedule ko. Ngayon mas nabigyan ko ng halaga ng trabaho., na hindi pala talaga madali ang buhay, kaya kailangan mag-sikap para sa mas magandang future.

At eto na siguro ang pinaka mature na naging decision ko sa buong 20 years of existence ko dito sa mundo.

Ps.. Tinanggap ako uli ng kompanya, tuluyan ng nabawi yung resignation letter ko!

Less Goodbyes!

Sa lahat ng taong kilala ko or nakilala ko palagi kong tinatandaan yung alam kong mga huling sandali na makikita ko sila. Yung tipong nakatatak sa isip ko kung ano itsura nila o kaya anong ginagawa nila pag katapos ko sila huling makita. Wala lang trip ko lang siguro.. Trip ko lang sigurong tandaan ang every detail ng huli ko silang makita. Kasi diba, who knowz..

Mamaya pala yung taong yon pagtapos mo makita magiging bilyonaryo pala kinabukasan, e kaso hindi mo na makikita haha hindi kana makakabalato sa kanya pero atleast tandang-tanda mo pa ang mga huling sandaling dukha pa sya. O di kaya yun na pala talaga yung huli kasi either ang mawawala sa inyong dalawa ay sya or ikaw. Yung ganong feeling ba na kanina ko pa sin-search sa google kung anong tawag don kasi malay mo meron pala talaga.

Kaya ako, ugali kong pag nag papaalam ako sa isang tao, pagkatapos ng pagkatapos kumaway “uy bye friend! ” di nako lilingon uli, o yung tinatwag nating huling sulyap .

Dahil hindi uso sakin yung ganon, kasi gusto ko agad sa sarili ko na dapat tanggapin ko ang realidad na people come and go.

One lovely blog award

Nakakatuwa dahil sa wakas may taong nakaisip na inominate ako sa ganitong award haha ! Kung titignan mo napaka imposible na manominate ako ng isang blogger sa ganitong award—so strange ..

Dahil ang nagnomimate lang naman sakin ay ang matagal ko ng kaibigan o sabihin nalang nating bespren, ka bromance, ka-jam, kapatid (pero actually tatlo talaga kami, wala nga lang blog yung isa) at kung ano ano pa na si emengoyal.

Diba? Napaka imposible…

Pero salamat pre sa suporta kahit na ikaw lang naman talaga bukod kay rheasilient ang matyagang nagla-like at nagko-comment sa lahat ng entry ko since day one HAHAHA! Consistent yon san kapa!?

Tama na ang intro , simulan na natin ‘to.

Rules:

•Thank the person who nominated you and link their blog in your post.
“Done!”

•You must include the rules and the blog award image in your post.
“here na po oh”

•You must add 7 facts about yourself.
“alright!”

•Nominate 15 people to this award.
“mahirap pero sige!”

Fact#1: Isa po akong Masscomm student, kahit na dati simula nung pagkabata ko palang ay nakatatak na sa isipan kong maging Engineer o kaya isang Architect dahil sa pag Idolize ko sa tatay ko. Ewan ko ba kung bakit pero nung 4th year highschool ako bigla nalang nagiba ang aking interes at nahumaling ako sa Film and Media kaya eto , Masscomm ang kinuha kong kurso.

Fact#2: Hindi katulad ni emengoyal at ni Erick na magaling sa basketball o kaya sa iba pang sports dahil ako naman ay hindi marunong mag basketball . Gusto ko ng basketball pero ayaw niya sakin, sa tuwing nagdi-dribble ako sa mukha ko dumideretso ang bola.

Fact#3: Sa pamilya, May talento kami lahat sa pag du-drawing bukod sa Nanay ko hahaha! May kanya kanyang forte kami sa pag guhit. Si Kuyang panganay magaling sa Color Pastel, Si Jeric naman ay magaling sa lahat pag dating sa art, si Ate Jesi ay magaling sa Calligraphy, si Angel ay sobrang napaka linis mag drawing yung tipong di na kailangan ng eraser, ako? Gustong gusto ko ang color pencils, si Bunso naman ay nahahawig rin sa istilo ko sa pag drawing, si papa naman ay magaling gumuhit pagdating sa mga bahay, building at iba pa at Si Mama? Magaling gumuhit ng Stickman.

Fact#4: Hilig kong laruin ang Gitara, Gustong gusto ko talaga ang tunog ng gitara kaya siguro talagang inaral ko ito noong grade 5 ako. Para ako naman ang gumawa magandang tunog at alayan ang ang babaeng naging inspirasyon kong matutong mag gitara; ang nanay ko.

Fact#5: Munggo ang favorite kong ulam. Pag alam kong munggo ang ulam talagang sobra sobra ang busog ko nan. Lalo na kung luto ng nanay ko… Haaaay! Talagang busog ka talaga. Alam yan ni miko hahaha

Fact#6: Wala akong Girlfriend. Single ako, single na single hahaha! Naka ilang palit na ata ng gf sina miko at erick pero ako heto , Single parin hahaha.

Fact#7: Hindi ako ganon katalino, Hindi rin ako kakinisan, at hindi rin naman ako kagwapuhan pero sobrang pihikan ako pag dating sa babae. Kaya siguro hanggang ngayon single parin ako., Meron akong talagang minahal pero di rin kami nagtagal pero pagkatapos non wala na. May ilang babae (Wow naman! Haha) na minsang napalagayang loob ko pero di rin nagtatagal. Sa akin kase, pag meron isang bagay na talagang hindi ko nagustuhan sa taong ito kahit na sa isang maliit na bagay lang ay matu-turnoff ako agad at mawawalan ako ng gana, Ewan ko ba kung bakit pero naiinis ako sa ganitong ugali ko. Gusto ko kasi pag ka nag ka Girlfriend ako, iniimagine ko na agad na sya na ang makakasama ko pang habang buhay, yung tipong ikaw lang sapat na! Yung sya na talaga ang papakasalan ko at wala ng iba pa.

Kulang ang pitong facts para kilalanin ako, Pero kung may time ka talagang kilalanin ako haha basahin mo nalang ang ibang entry ko dito sa blog ko. Salamat!

Nominees

(yung nominees ko po ginaya ko lang yung kay miko hahaha)

The RheaSilient

BlagBloodBlog!

Apple Rae

Cheesecake

ShadesofWanderer

bughawblueasul

Left Pencil

HannahtheGrace

Monch Weller

michnavs

dakilanglaagan

boredsensei

thatlittlegirl

happysunday

Hindi naman po ito sapilitan. Pero pag nanominate ka at hindi mo ito ginawa. Mamalasin ang lovelife mo ng 200 years. Kaya mapipilitan ka talaga.

Credits to the owner.

Ang sarap maging proud , pero ang hirap mag mukhang mayabang

Yan ang tumatakbo sa isipan ko habang nakatingin ako sa isang malaking tarpaulin na ako ang nag design.

Dahil gustong gusto ko ipagsigawan sa lahat ng tao na ako ang nag design ng nakikita nila sa malaking karatula

“ Ang ganda ng poster ng D.A ngayon ahh”

“ Maganda siguro to, tara nuod tayo sa sabado”

“ ay wooow ! astig”

Ang sarap sabihing…

*Uyy ako may gawa nan , Jack ang pangalan ko ang ganda no! medyo struggle nga pag gawa nan eh, oo tama kayo ako nag gawa nan hahaha at yung ticket na pinapamigay nila kanina , ako rin nag design non hahaha purihin nyo naman ako dali !*

Naiisip ko kung ganito rin kaya ang pakiramdam ng mga taong nag print ng tarpaulin? O ang nag gawa ng software na adobe photosop? Sa tuwing sumasagi ang resulta ng isang obra na galing rin sa kanilang mismong obra? Sa tuwing makaka salamuha sila ng ibang tao na pinapakinabangan ang kanilang gawa?

Mga sari-saring magagandang komento ang narinig ko matapos ko itong maipakita sa mga kaibigan at sa mga ibang kakilala, Pero syempre may mga negatibong komento rin sa mga taong hindi ko o hindi ako kilala.

Halimbawa neto ay ang dalawang mag jowa na nakasalubong ko sa daan habang kinukutya ang malaking tarpaulin na aking gawa.

“ haha , ano bayan bakit ganyan ang pangit ng kulay”

“ okay naman sya , pero halatang minadali lang ng gumawa .. hindi ako marunong mag edit ng ganyan pero kung gagawa man ako , hindi ganyan ka pangit HAHAHAHA” (sabay pa silang tumawa) sabay sabing sayang lang daw yung binayad ng nag pa-gawa .. Ang weak kasi ng gumawa…ang weak ng gumawa…weak ng gumawa…weak gumawa…ang weak….

Haaaaayys, ang mga tao talaga sadyang napaka lupit , pero aminin natin na mas madali nga naman mang-husga kapag hindi mo kilala ang tao, diba? Dahil hindi naman natin sila kilala e , hindi tayo ganoon ka takot na sabihin ang ating opinyon dahil maliit lang naman ang chance nating gumanti at gantihan pabalik.

Syempre hindi ako pumayag na laitin ang gawa ko kaya sabi ko *Hoy! Mga walang modong mag jowa na PDA ! wala kayong karapatan na laitin ang tarpaulin nayan , hindi nyo alam kung nakailang revised ako dyan bago I-print yan dyan ! Mga walang hiya, bagay na bagay kayo parehas kayong malaki mata! at FYI hindi yan bayad dahil buong puso ko yang pinag hirapan* sabi ko sa isip ko..

Pero inisip ko nalang na ito’y isang constructive criticism, pero wala silang kamalay-malay na kung ilang beses kong paulit-ulit na tinorture sila sa isipan ko hahaha

Iniisip ko kung papaano kaya kung kakilala o kaibigan ko yung dalawang yun, mag iiba kaya tingin nila sa gawa ko? O ganon parin

“ okay ba yung design na nagawa ko?”

“ Syempre naman , basta gawa mo maganda yan para sakin”

Mas na-appreciate ko pa ang mga taong bibigyan ako ng matinding payo tungkol sa mali ko , kesa sa mga taong hahayaan lang akong mag mukhang tanga – Jack

Sa kabilang banda ang blog post kong ito ay para sa mga katulad kong bibihirang mabigyan ng pagkakakilanlan ng karamihan, katulad ng mga Cameraman, sa mga taong taga-gawa ng pabango, sa mga construction worker na katulong ng mga Engineer, sa makinang taga-gawa ng mga papel ! (Thanks machine) para sa mga taong taga hatid ng iPhone sa apple store, at sa mga taong nasa likod ng success ng kahit ano.

Taos puso rin po akong nagpapasalamat sa mga naging bahagi ng blog entry na ito, nagpapasalamat po ako sa mga sumusunod: kay kuya na nag bukas ng aircon dito kanina, sa water service na naghatid kanina ng tubig dito kaya meron akong malinis na tubig na iniinom ngayon, salamat rin sa boss ko na nag bukas ng PC ko at dahil don sa wakas di ako nalate, salamat narin sa nagtahi ng jacket na gamit ko ngayon panangga sa napakalamig na aircon para makapag type ako ng maayos at higit sa lahat maraming salamat sa lahat ng staff at sa lahat ng bumubuo ng wordpress.com. Maraming salamat po!

Si Lord , nag Drive-thru sa Jollibee!

Para sa atin, napaka sensitibo ang pagusapan ang tungkol sa ating sari sariling paniniwala lalong lalo na ang relihiyon. Dahil natatakot tayong may masabing kakaiba na against pala para dito sa isa na minsan pa’y pinagmumulan ng matinding debate laban sa ano ba ang tamang relihiyon. Ang satin lang naman ay ayaw lang natin makasakit ng damdamin ng iba kaya mas pinipili nalang natin minsan na wag isama ang ganitong topic sa usapan.

Pero sa hindi ko inaasahang pagkakataon kahapon may nakatabi ako sa Jollibee na tatlong lalaki na nagtatalo talo , Este naguusap lang pala dahil tingin ko naman ay friends sila lahat, tungkol sa paniniwala nila sa Diyos at religion.

Sa sobrang rami ng tao at puno na lahat ng lamesa nakisuyo ako sa kanila na kung pwede lang maki- share sa lamesa nila para makakain ako ng maayos dahil meron namang isang space kung saan mga bag lang ang mga naka upo. Kapal ko eh no haha

Sure !! ( sabi pa nung isa)

Itago nalang natin ang pangalan nila sa pangalang Juan , Pedro , at Junjun. Mga college student rin sila gaya ko dahil pansin mo sa kanilang lanyard at uniform.

Base sa aking matinding pandinig at pakiramdam dahil hindi ko narin maiwasan pakinggan ang kanilang usapan:

Si Juan ay isang taong naniniwala sa Diyos at sa mga utos at sermon nito, lagi nyang binabase sa Bible ang kanyang mga matalinhagang sagot.

Si Pedro naman ay isang taong naniniwala sa Diyos at hindi sa relihiyon.

At si Jujun ay isang Atheist.

Disclaimer: Some of the Dialogues you will read are not exactly the same as the actual words of what they’ve said, However the thoughts in here are completely preserved and accurate.


Juan : Tanggap ko naman yung sinasabi mo Junjun , sa part ko lang naman ay dapat lagi parin tayong nag sisimba… at kahit na anong sabihin mo dyan ay binyag ka parin sa Katoliko.

Junjun: Eh!(nakasimangot) Para saan pa yung pag sisimba ko hindi naman ako naniniwala sa Diyos.

Juan: Kaya nga magsimba ka at magbasa ng Bible para malaman mo, at para narin alam mo yung tama at mali.

Junjun: Wag ako tol! Hindi naman porket Atheist ako masama na ako, dahil hindi ko kailangan mag simba at mag basa ng Bible para lang masabing tama ako kasi hindi naman talaga ako masama.

Pedro: Tama nga naman, hindi naman lahat ng taong pala- simba ay mabait na at hindi naman rin lahat ng taong hindi nagsi-simba ay masama na.

Juan : Naiintindihan ko naman kayo pero sige nga! paano nyo malalaman ang tama at mali kung walang Diyos? subukan nyong Imagine-in kung pano nalang talaga kung walang diyos? Edi hindi na natin alam kung tama ba o mali yung mga pinag gagawa natin? Dahil wala tayong direksyon, wala ng guide kasi wala ng nagtuturo sa ating mga tao. Para nalang tayong inosenteng bata na hindi naturuan na walang kamuwang muwang sa mundo, na kahit anong gawin ay ayos lang dahil wala ng paki-alam kung tama ba ito o mali. (May mga sinabi pa syang mga verse dyan kaso di ko na matandaan)

Pedro : Tama ka naman Juan , ako sa totoo lang naniniwala naman talaga ako sa Diyos. Dahil pano tayo mabubuhay kung walang sya diba, dahil naniniwala ako na sa kanya tayo lahat nag mula. Pero yung Religion na yan? wala naman talaga yan eh, yang bagay lang nayan ang nagbubuklod buklod sa ating mga tao. Lahat tayo makakapunta sa Heaven basta gumawa tayo ng mabuti sa kapwa at hindi na natin kailangan pa ng Relihiyon. Pare-parehas lang naman tayong tao at kahit na sa sobrang daming religion pa’yan dito sa mundo, iisa lang naman ang ating sinasamba, ang Diyos lang at wala ng iba.

Junjun: Sorry mga pre pero di nyo talaga ako nakukumbinsi. Ikaw nga Pedro? Gumagawa ka lang ng mabuti sa kapwa para makapunta sa Heaven? Hindi ba parang makasarili naman ata yon..? Nakuha ko yung point ni Juan na walang magtuturo sa atin pero ang sakin lang, ay pag oras na wala kana dito sa mundo, wala ka na talaga at wala ka ng pupuntahang hell o heaven. Dahil dito palang sa earth ay meron ng hell at heaven, dahil ikaw na mismo ang gagawa ng sarili mong kapalaran mapa langit man o impyerno ang daranasin mo.


Tama at may point sila lahat actually, Pero hindi rin naman lahat ng opinyon ng bawat isa ay tama, Kung baga’y pantay-pantay lang ang halaga ng kanilang mga opinyon.

Darating ka rin talaga sa punto ng buhay mo na mapapatanong ka nalang sa sarili mo na “Ano ba kasi talaga yung totoo?”

Nabilib ako sa mga kapwa kong estudyanteng ito dahil kahit na magkakaiba ang kanilang mga paniniwala ay nananatili parin silang magtu-tropa.

3 reasons Why I quit Facebook.

Wait! there should be a continuation on my title, Why I quit facebook… and made another one. Because why not? quitting facebook doesn’t mean I don’t like it anymore. It’s just that the account that I had has too many posts that I’ve been seeing on the daily basis lately that I actually doesn’t wanted to see.

I already knew what were you thinking..

“Ang arte mo naman , eh di wag ka nalang mag facebook kung ayaw mo makita sila”

Probably you’re right but perhaps I have my reasons why I continuously using facebook then even though it’s not already good for myself. We’ll cross that bridge when we come it.

Let’s now talk about some of the things you see on social media—facebook to be exact that will also give you reasons to maybe not use them again.

Your FB friends posts:

There are so many things that you don’t want to see on your friend’s posts, For example : We all have that friend who shares a minute by minute of multiple posts about his/her drama on their timeline that is so already annoying to see . Posting your thoughts on facebook is definitely okay if you set some boundaries that the other people should not see on your own feed. I know that I’m not in the right place to judge but we just can’t help but to notice these kind of media users that has been already eaten by the system of Facebook—I mean Society. Posting your rant is okay , If you’re broken post it, it’s your own timeline anyways, but again set some boundaries . Don’t let people know all your happenings in life because there are more life outside the facebook. And also posting your personal problems on facebook is not helping you to solve, it’s actually make even worst. Try to make it more private so that it will be more less stressful to you and to the people around you and it’s for your own good. Imagine waking up in the morning and then suddenly you read all those kind of posts.

The pages that you liked:

Way back then when the time I am so desperate of having some posts to see on my own news feed. I “like” every pages I see even though I am not interested of the content, I click the like button anyways. And now I’m regretting it, because there are over a thousands of pages appearing on my feed at sobrang istorbo kasi hindi ko na halos makita yung mga post ng mga close friends ko dahil sa mga pages . And most of the pages that I “like” are worthless at all. They all have the same post , same caption , and the same content . Especially filipino made pages, Sorry but I think they were paid to do or to post the same content over and over again. They used to be fun back then but now I don’t know why they’ve become what they are right now. Pinlano ko iunlike sila one by one pero sobrang rami haha di ko kinaya.

The Netizens :

Some of the “Netizens” are becoming so bad that it happened to be that they always bashing people just because of their “trip” . Personally , I really don’t get the idea of bashing; is it because you don’t like what you see so you will comment on the post to make the situation more even worst ? Why not try to report it on facebook if in case you think it is very inappropriate to see , so that It’ll be removed. Or try to just ignore them and not to share , because you believe that those things doesn’t deserve to have a place on Facebook. And also those kind of acts will also leads to Cyberbullying.

Well actually , We should not blame the Facebook itself that we are using , perhaps we should be thankful of it . Because this kind of things contributes a big help to the society or to the world. (Wow! big word ) Pero diba , nasa tao lang naman talaga yung problema eh , Tayo lang naman yung nag papasama at nagpapaganda sa isang bagay . Pero ngayon sa nakikita ko at nakikita ng karamihan , talagang pinili na ng ibang tao ang talagang maging kanser sa lipunan. But to give the benefit of the doubt, these people should (of course) be forgiven because they are also humans like us, but I hope that every one of us should have a great sense of responsibility of using facebook wisely.

Ayos lang naman kahit na maging bad karin minsan pero wag naman yung sukdulan na ng sama haha. As what they’ve said nothing is perfect, every one of us commits sins but everything’s should come with moderation . PARA BALANSE . PARA MASAYA ANG BUHAY

PS. I am currently enjoying my new facebook account . It’s so clean !!